Rehiyon Bicol nanatiling no.1 abaca region sa buoung Pilipinas

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Bicol, nananatili parin bilang number 1 abaca producing region sa buong Pilipinas ang Bicol sa kabila ng sunod-sunod na problemang dala ng pandemya at mga bagyo na nanalasa sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PhilFIDA Bicol, OIC Director Mary Anne Molina, as of 2021 nakapagtala ng 19,838.70 metric tons sa produksyon ng abaca ang rehiyon Bicol na sinundan ng Davao na may 14,618.29 metric tons.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aniya, sa loob ng 5-year period ang share ng Bicol sa national production ng abaca ay umabot sa 35.18% na pinapangalawahan ng Davao na may 18.70% , Caraga na may 12.28% at Eastern Visayas na may 10.51%.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, patuloy parin aniya ang kanilang mga programa at proyekto tulad ng technical assistance at libreng planting materials para sa mga abaca farmers upang masuportahan ang produksyon at distribusyon ng abaca sa rehiyon.