Tiniyak ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System na matatapos na sa May 23,2021 kung saan nasa 80% na ang rehabilitasyon ng mga irrigation canals bilang paghahanda sa wet cropping season ngayong taon.
Ito ang kinumpirma sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay NIA MARIIS Acting Department Manager Engr. Josue Sabio.
Aniya, matatapos na sa May 23 ang rehabilitation activities ng kanilang tanggapan na kinabibilangan ng konstruksyon ng concrete lining sa mga irrigation canals, pagpapalit ng mga nasirang gates at pag-aayos ng kalsada.
Ayon pay kay Engr. Sabio, kasalukuyan na rin ang pagmimintina ng apat na division ng NIA MARIIS sa dadaluyan ng tubig, pagre-paint ng mga stock gate upang malaman ang height o measurement ng tubig na dumadaloy sa irrigation canal.
Ito rin aniya ay upang maayos ang magiging daloy ng tubig sa isasagawang inisyal na pagpapatubig sa May 24, 2021 at nailatag na rin ang iskedyul sa pagpapakawala kung saan aabot sa 85,872 hectares ang mapapatubigan sa apat na division ng NIA MARIIS.
Hinikayat naman ni Engr. Sabio ang mga magsasaka na magtanim ng early maturing varieties ng palay upang hindi matama sa tag-ulan ang harvest season.