Magsasaka, patay matapos mabundol ng pampasaherong jeep sa San Narciso, Quezon

Patay ang isang magsasaka sa bayan ng San Narciso matapos itong mabundol ng isang pampasaherong jeep nitong Biyernes, Mayo 7.

Kinilala ng San Narciso PNP ang biktima na si Elwin Caadlawon Jr., 23 anyos na residente ng Sitio Poras, Brgy. Abuyon, San Narciso, Quezon.

Read More:  Classes suspended at Negros school after shooting threat spreads online

Ayon sa police report, minamaneho ni Rowel Pertis, 44 anyos ang kanyang pampasaherong jeep dakong alas 5:00 ng hapon ng aksidente nitong mahagip ang grupo ng mga tao na namamahinga sa lugar.

Read More:  Banakon bite kills 17-year-old student inside store in Davao Oriental

Naisugod pa sa ospital si Caadlawon pero idineklara ring dead on arrival. | via Brian Zagala, BNFM Lucena