Registration period para sa March 2024 CSE- PPT nagsimula na

CAMARINES NORTE – Nagsimula na kahapon, November 16 ang registration period para sa March 3, 2024 Career Service Examination- Pen and Paper Test (CSE- PPT).

Ang application period naman ay magsisimula sa November 20, 2023 hanggang January 3, 2024.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Director II Atty. Alicia Salinas ng Civil Service Commission, Camarines Norte Field Office, sinabi nito na bukas na ang link para makapag register ang mga nagnanais na kumuha ng CSE- PPT at doon na rin ang pag fill-out ng mga kinakailangang impormasyon.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang printed application mula sa New Normal Waitlist (N- List) system ang dadalhin sa SM City Daet sa panahon ng filing of application.

Ang schedule sa SM City Daet ay mula November 20- 23, November 28- 30 at December 4- 6.

Ayon kay Salinas tatanggap sila ng 140 hanggang 150 application kada araw at sa venue na rin sila mamimigay ng numero.

Nasa 1, 450 ang allotted examinees para sa Camarines Norte, 1, 300 dito ay professional habang 150 naman sa sub professional. Ang registration ay ‘first come, first served basis.’

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Bibigyang prioridad naman ang mga naka- register sa N-List noong nakaraang CSE- PPT na hindi nabigyan ng slot sa unang linggo ng filing of application.

Pag- aaralan naman daw ng CSC ang pagdaragdag ng testing center sa mga susunod na pagkakataon para ma- accommodate ang maraming bilang ng mga nagnanais kumuha ng exam.

Ipinaliwanag rin ni Salinas kung bakit limitado lang ang bilang ng mga examinees.