LTFRB, inimbestigahan kung may pananagutan o paglabag ang bus company sa insidente

Iniimbestigahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang nangyaring insidente ng pamamaril sa loob ng bus.

Isa sa tinitingnan ng ahensya ay kung may prangkisa sa naturang ruta ang bus na sinakyan ng binaril sa Nueva Ecija.

Ayon kay LTFRB Technical Division Head Joel Bolano tinitingnan din nila kung otorisado ang bus na magsakay sa daan gayong hindi sa terminal sumakay ang dalawang gunman.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sakaling may makitang paglabag posibleng masuspinde at matanggalan ng prangkisa ang bus company.

Pero kahit naghihigpat na ang ilang mga terminal ng bus hindi pa rin maiwasan ng ilang mga commuter na mabahala sa kanilang seguridad.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sinabi naman ng PITX na ligtas ang mga pasaherong nanggagaling sa kanilang terminal dahil hindi lang dumadaan sa security check ang mga pasahero, nakalista rin ang mga pangalan nito sa manifesto.

Pero sa oras daw na lumarga na ang bus at magpasakay sa mga daan masasayang lang mga pag-iingat.