Bilang ng mga apektado ng Bagyong Julian, umabot na sa mahigit 77K

Umabot na sa 77, 249 ang bilang ng mga apektadong indibidwal dahil sa Bagyong Julian.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng 22, 645 families mula sa 252 bgys sa Regions 1, 2, at Cordillera Administrative Region.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Mula sa mga nabanggit na bilang ng apektado, 762 indibividuals o katumbas ng 254 families ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers.

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na ilang lugar sa La Union partikular sa Bangar at Luna maging sa Laoag City , Pagudpud, Piddig , Solsona, San Nicolas at Vintar sa Ilocos Norte ang nananatiling baha.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Marami rin kabahayanang bahagyang nasira sa Ilocos Region dahil sa bagyo.