Nadagdagan pa ng halos 70 thousand ang bilang ng mga registered voters sa Region 3.
Kasunod ito ng pagpapatala ng nasa 69, 351 na indibidwal sa nagpapatuloyna voters registration.
Pinaka marami ang nagpatala mula sa lalawigan ng Bulacan na nasa 21, 599, sinundan ng Nueva Ecija na nasa 14, 595 at pangatlo ang lalawigan ng Pampanga na merong 15, 444.
Panghuli naman ang Aurora na nakapag dagdag lang ng 1,113 new voters. Target sana ng COMELEC region 3 na makapag dagdag ng nasa 120 hanggang 150 thousand new voters, subalit ayon kay COMELEC asst regional director Atty. Elmo Duque, mukhang aabot na lang sa halos isandaang libong indibidwal ang makakapag parehistro bago tuluyang matapos ang registration period sa January 31.
