Regional Director ng PRO5, bumisita at nagbigay pugay sa Pulis Kasanggayahan

SORSOGON CITY – Nagbigay pugay at binati na rin ng bagong upong regional director ng PRO5 na si PBGen Rudolph Dimas ang magigiting na miyembro ng Pulis Kasanggayahan matapos ang matagumpay na intel driven combat operations noong Miyerkules sa distrito ng Bacon, Sorsogon City.

Sa mensahe ng opisyal, sinabi nito na ‘sakripisyo at tapang ang ipinakita ng operating team, ipinamalas lang umano ng mga ito ang isang uri ng serbisyo publiko na nararapat para sa komunidad.’

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dagdag pa ni Dimas, ang PRO5 ay patuloy na maglulunsad ng mga hakbangin sa paglaban sa local extremism at insurgency.

Nananatili din umano na matatag ang PRO5 sa pagbuo ng mas malakas at matapang na ugnayan sa AFP habang nagpapatuloy ang paglaban sa mga kriminalidad.

Kung babalikan, tatlong miyembro ng rebeldeng grupong NPA ang nasawi sa nasabing bakbakan, umaga noong Miyerkules sa Sitio Pinaglabanan, Brgy Gatbo.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa nasabing engkwentro, nakumpiska ng mga operatiba ang dalawang mataas na kalibre ng baril at isang pistola. Nakubkob din ang lugar na ginawang temporary encampment ng mga armadong grupo.

Ang operating team ay kinabibilangan ng Prov’l Intelligence Unit ng Sorsogon PPO, Pto Diaz Municipal Police Station at ng 1st PMFC.