P45-M halaga ng hinihinalang ‘smuggled’ na asukal, nasabat sa Subic Bay

Nasabat ng Bureau of Customs ang hinihinalang smuggled na asukal na tinatayang nasa 7,021 metriko tonelada sa Subic Bay sa Zambales na sinasabing nagmula sa bansang Thailand.

Aabot sa 19 na tripulante ng cargo vessel na MV Bangpakaew ang nasa kustodiya ngayon ng Subic Port habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Napag-alaman umano ng BOC na gumagamit ng “recycled” o lumang import permit ang kumpanyang nasa likod ng naturang kargamento.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Ang inisyal na imbestigasyon ng BoC lumalabas na ang consignee ng smuggled na asukal ay ang Oro-Agritrade Inc. sa ilalim ng account ng ARC Refreshments Corp.

Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) officer-in-charge Joeffrey Tacio nabigyan ng clearance ng SRA at BoC ang kargamento dahil hindi umano ito kasama sa naunsiyaming 300,000 MT aangkatin asukal.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Batay naman sa report na nakarating sa Office of Executive Secretary may ilang personalidad umano ang nagkokontrol sa Subic Port na kinilala lamang sa mga pangalang “Buboy” at “Reggie” na gumagamit din sa mga pangalan “ Kysse Lish” at “Foxxie” bilang consignees.

Umaabot sa 140,000 bags na may kabuuang tax payment value na P45,623,007.51 ang nasabat ng mga otoridad.