Turn-out ng enrollees ngayong school year mababa pa ayon sa DepEd-Sorsogon

SORSOGON CITY – Mababa pa rin ang turn out ng mga enrollees sa lalawigan para sa school year 2022-2023.

Ayon kay DepEd Sorsogon Schools Division Superintendent Jose “Toots” Doncillio, sa katunayan umano ay nasa 147K pa lamang na mga estudyante ang kanilang naitatala mula noong umpisa ng enrollment hanggang Agosto 15.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Mas mababa kumpara sa bilang ng mga nag-enroll noong nakaraang school year na umabot sa 190K.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na ang total o opisyal na bilang ng mga enrollees ay madedetermina lamang sa Agosto 22 kapag na-encode na ng mga paaralan ang lahat ng kanilang mga enrollees kung kaya’t kanilang inaasahan na ang nasabing numero ay tataas pa at mapapantayan o mahihigitan ang bilang ng mga nag-enroll noong nakaraang taon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu