Region 12, may pinakamasarap na Robusta coffee sa bansa

KORONADAL CITY – ITINANGHAL ang Region 12 na may pinakamasarap na Robusta Cofee sa bansa sa katatapos lang na Philippine Coffee Quality Competition. Tinalo ni Rey John Basco ng Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat ang 101 lahat na mga entries mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sa Robusta Category.

Maliban kay Basco, awardees din ang tatlong iba pang coffee farmer-processors na sina Roan Basco sa Top 2, Denz Bert Deramos sa Top 5 at Orlando Bayuda sa Top 6 na pawang residente din ng Senator Ninoy Aquino.

Pasok naman sa Top 6 sa Arabica category si Ylaine Joyce Giangan ng Makilala, Cotabato. Labis naman ang pasasalamat ni Department of Trade and Industry o DTI 12 Regional Director Flora Gabunales dahil pagkatapos ng ilang taong pagsali sa nasabing kompetisyon, sa wakas ay nakuha na rin ng Soccsksargen ang titulo ng the best Robusta coffee sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *