DILG Camarines Sur naghihintay pa ng pormal na kautusan ukol sa pag-awit ng Bagong Pilipinas Hym at recital ng Bagong Pilipinas Pledge

CAMARINES SUR-Panahon na ng pagbabago, dahil sa ito ay kinakailangan, tayo na magtulong-tulong na paunlarin ang mahal nating bayan”, pambungad na mga linya ito sa Bagong Pilipinas Hymn.

Sa Memorandum Circular (MC) No. 52 ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan, state-owned firms, at state schools and universities na isama ang Bagong Pilipinas hymn at pledge sa kanilang weekly flag ceremony.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Department of Interior and Local Government (DILG) Provincial Officer Julius Rodel Cal-Ortiz , batid na nila ito pero maghihintay pa rin sila ng dokumento mula sa Regional Office sa magiging sistema. May mga LGU kaseng may mga kanya-kanya pang hym maliban sa Lupang Hinirang at pag bigkas ng Panatang Makabayan/ pati Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas.

Naalala rin ni Ortiz noong nasa elementary siya na pinatutugtog ang Bagong Lipunan  sa panahon ni dating Pangulong Marcos Sr. Mabuti aniya na isaisip ng mga Pilipino na may isang direksyon ang bansa.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi sapat ang Executive Order para rito kailangan ng kaukulang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *