NAGA CITY –Nangangamba ang mga barangay opisyal sa Naga City lalo na iyong nakakasakop sa Central Business District na muli na naman nilang mararanasan ang mga pagbabaha ngayong tag-ulan dahil sa isyu ng basura at iba pang duming nakakabara kabilang na ang mga putik sa kanal.
Kasabay nito inirekomenda ni Triangulo Punong Barangay Raymund Arevalo na dapat isailaim sa rehabilitasyon ang mga drainage canal sa lugar nila na napapalibutan ng malalaking mga commercial establishments tulad ng malls, paaralan, malalaking opisina at iba pang mga gusali.
Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niya na wala naman silang tigil sa pagpapaalala na huwag magkalat ng basura, huwag magtapon ng basura sa mga kanal subalit hindi na iiwasan lalo pa at ang barangay niya ay isa sa low lying areas sa lungsod.