CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Civil Service Commission na maari pa ring i- refund ng mga registered examinee ng nakanselang March 2020 Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ang ibinayad na examination fee hanggang March 14, 2025.
Ayon sa ahensiya lahat ng unrefunded examinees ay maaaring mag file ng claim for refund sa P500 examination fee maliban sa mga na- accommodate sa katatapos lang na August 7, 2022 examinations at ang mga nagnanais na kumuha ng exam sa March 26, 2023 CSE- PPT.
Ang mga examinee na hindi pa nakakakuha ng refund na hindi na kukuha ng kahalintulad na examinations at ang mga nag- exam at nakapasa noong June 19, 2022 CSE- PPT gayundin sa katatapos lang na Computerized Examinations (COMEX) na nagbayad ng application fee ay pwede ring mag- refund.
Maari itong ma- claim sa Regional o Field office kung saan naghain ng application o kaya ay mag online claim sa pamamagitan ng payment facility.
Kinakailangang magsumite ng filled-out Request for Refund Form na maaaring ma download sa CSC website na www.csc.gov.ph
Kung maalala ay inihayag kamakailan ni Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas na bibigyan ng pagkakataong makakuha ng exam sa March 2023 ang mga registered examinees sa nakanselang March 2020 CSE- PP) professional at sub professional.
Walang ibang accomodotaion kundi ang mga registered examinees ng nakanselang March 2020 CSE- PPT.
Gayunman kailangan pa rin umanong mag online application o reservation.
