Bagong naitayong Evacuation Center sa Naga City pansamantalang tirahan ng mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa demolition

NAGA CITY – Pansamantalang nakatuloy sa bagong gawang evacuation center sa Barangay Sta. Cruz Naga City ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa demolition.

Tiniyak ni Anabelle Vargas ang head ng City Social Welfare and Development Office na naibibigay nila ang pangangailangan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Vargas, sinabi  niyang binigyan agad nila ng   pagkain, folding bed , mga gamot at vitamins lalo na iyong mga bata, mga buntis at mga senior citizens.

Anya’y habang nasa evacuation center ang mga ito ay regular na ibibigay ng opisina nila ang mga nabanggit ng kailangan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

May mga tulong pang ibabahagi sa mga ito ang local na pamahalaan kabilang na ang mabigyan sila ng lugar na pagtitirikan ng kani-kanilang panibagong bahay.

Una na ring sinabi ni Engr.Rolly Campillos, head ng City Housing and Resettlements Development Office na dadaan sa proseso ang mga ito para ma-avail ang housing project ng lungsod.