Red tape, inaasahang matutugunan ng bagong Procurement Law

Kumpiyansa si Batangas Second District Representative Gerville Luistro na matutugunan na ang isyu ng red tape sa gobyerno matapos maisabatas ang New Government Procurement Act.

Ayon kay Luistro, isa ang red tape sa mga nananatiling dahilan ng pagbagal ng pag-unlad ng bansa at paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Read More:  CHED open to suggestions on proposed Reframed General Education curriculum

Nagpasalamat ang kongresista kay Pangulong Bongbong Marcos at sa House leadership dahil kasama sa mga reporma ng bagong batas ang pagpapaigsi sa kabuuang procurement process.

Mula kasi sa 120 days ay aabutin na lamang ng 27 days ang proseso mula sa advertisement hanggang sa notice of the award, notice to proceed at paglagda sa kontrata.

Read More:  Chinese MSR vessel and maritime militia spotted in Kalayaan Island Group

Giit ni Luistro, hindi lamang itinataguyod ng batas ang efficiency at transparency sa procurement kundi isinusulong din ang mga reporma na nakahanay sa sustainability at inclusivity.

Makakaasa umano ang publiko na magpapasa pa ang Kongreso ng mga panukala na magsusulong ng transparency sa bansa.