Red Cross nagdeploy ng ’humanitarian caravan’ sa Surigao del Norte at Bohol

SORSOGON CITY – Nagdeploy ang pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) ng ‘humanitarian caravan’ sa Surigao del Norte at Bohol , upang magbigay ng tulong sa mga residente na sinalanta ng bagyong Odette.

Mas pinili ng staff at volunteers ng Red Cross na magtungo sa mga nasalantang lugar para maghatid ng tulong at iba pang mahalagang pangangailangan ng mga hinagupit ng nagdaang bagyo sa nasabing probinsiya.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang caravan ay kinabibilangan ng water tanker, food truck para sa PRC Hot Meals On Wheels, isang payloader, ambulansya, tractor head na may low bed trailer, wheeler cargo truck na may shelter tool kit at generator, at isang 6×6 truck.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang caravan ng PRC ay inasistihan ng Sorsogon Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (SPDRRMO), PNP-Matnog at ng Matnog DRRMO.

Ang Humanitarian Caravan ay isang inisyatibo ni PRC Chairman Senator Dick Gordon upang palakasin ang pagtugon at magbigay ng higit na kinakailangang tulong sa mga komunidad na apekatdo ng nasabing bagyo.