No. 7 most wanted person ng Matnog Police, arestado sa Laguna

SORSOGON CITY – Arestado ang isang 48 anyos na lalaki at tinaguriang No. 7 Most Wanted Person ng Matnog Police sa Brgy. Poblacion 1, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ang akusado na si Joven Regedor Letada, binata, construction worker at residente ng Brgy. Mambajog, Matnog, Sorsogon.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Inaresto ng mga elemento ng Matnog MPS, Cabuyao City Police Station at 2nd PMFC SOR PPO ang nabanggit na akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Adolfo  Fajardo, Presiding Judge ng RTC Branch 55, Irosin, Sorsogon para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Read More:  Active police officer, former soldier arrested in Pangasinan gun sale