Recruitment team para sa miss bicolandia magsisimula nang mag-ikot sa rehiyon; p300k matatanggap ng makakakuha ng titulo

NAGA CITY- Magsisimula nang mag-ikot ang recruitment team ng Miss Bicolandia 2023 para sa paparating na pageant sa Peñafrancia Festival sa Setyembre.

Sa Press Conference kaninang umaga sinabi ni Miss Bicolandia Beauty Pageant Committee Chairperson Councilor Dr. Sonny Rañola, bawat bayan at lungsod ay pupuntahan upang masigurong maiimbitahan para may representante.

Binigyan diin din na ang regional pageant ay hindi lamang magpapakita ng pisikal at panloob na kagandahan o katangian ng isang Bicolana kundi daan din ito sa pag promote ng rehiyon pagdating sa turismo at economic recovery and development.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kasama sa mga kwalipikasyon ay dapat 17-anyos hanggang 25-anyos, at least 5’4 ang taas, single at may good moral character. Gayundin ang pagiging Filipino citizen , ipinanganak na Bicolana o di kaya Bicolana by blood o residente ng rehiyon sa loob ng tatlong taon, at least Junior High School, may maayos na kalusugan at dapat nakatanggap na ng kahit isang booster dose ng COVID-19 bilang suporta sa PinasLakas Vaccination Program.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa Agosto 26 na ang Pre-Screening habang sa Sept. 6 ang Coronation Night. P300, 000.00 ang matatanggap na cash ng kokoronahang Miss Bicolandia 2023.