Recruitment policies ng AFP, pinag-aaralan upang makahikayat ng mga kabataan

Inaaral ng Department of National Defense (DND) ang recruitment policies ng Armed Forces of the Philippines.

Layon nitong makahikayat ng mas maraming kabataan gaya ng mga fresh graduate gayundin ng mga tinatawag na na professional para sumailalim sa enlistment bilang bahagi ng reserved force ng bansa.

Ayon kay Defense Sec. Gilberto Teodoro ,nakikipag-ugnayan na sila sa Deputy Chief of Staff for Personnel ng AFP na maibaba ang kasalukuyang recruitment age na 26 para sa enlisted personnel dahil marami sa mga bagong graduate ang ayaw munang magtrabaho.

Naniniwala ang kalihim na malaki ang mai-aambag ng mga kabataan sa Sandatahang Lakas bitbit ang kanilang mga galing at talento na magagamit sa kanilang pagsisilbi sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *