Civilian-led resupply mission sa Bajo de Masinloc ng Atin Ito! Tuloy pa rin

Handang-handa na ang Atin Ito! Coalition para sa kanilang ikalawang civiliean-led resupply mission na magsisimula bukas, May 14, hanggang sa May 17.

Ipinasilip ng Akbayan party ang mga boyang ilalatag, kung saan, mayroong nakasulat na ‘WPS, ATIN ITO!’.

Handa na rin ang mga pagkain, at fuel na gagamitin sa misyon.

Ikinakarga na ang ilang mga supplies, kasama ang mga mangingisda mula sa Subic.

Ayon sa grupo at sa Akbayan party – itutuloy pa rin nila ang kanilang ‘active citizenship model’ para depensahan ang West Philippine Sea.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Ito’y sa gitna ng ‘new model’ na iginigiit ng China.

Sa hiwalay na pahayag, idiniin ni Atin Ito Co-Convenor and Akbayan Party president Rafaela David na tuloy pa rin ang kanilang misyon sa kabila ng pagdami ng presensya ng China sa Bajo de Masinloc.

Aniya, ‘di raw sila natatakot, bagkus ay mas pinag-iisa pa ang mga Pilipino na idiin at depensahan ang ating mga karapatan.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Kamakalawa, sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay David, sinabi niyang sa gitna ng nararanasang pambu-bully ng mga barko ng Pilipinas mula sa mga Chinese vessels, sinabi ni David na hindi rin nawawala ang kaba sa kanila.

Sa kabila aniya nito, mas nangingibabawa ang kagitingan ng mga Pilipino na makapaghatid ng tulong.

Nasa apat na malalaking bangka, at humigit-kumulang sa 100 na mas maliliit na bangkang pangisda ang lalahok sa misyon.

Magsisimula ito sa bahagi ng Masinloc, Zambales, at didiretso sa Bajo de Masinloc, o sa Scarborough Shoal.