Carpio: Pilipinas – dapat nang kasuhan ang China sa pagkasira ng marine life sa Escoda

Hinimok ni Former Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang gobyerno na maghain na ng kaso laban sa China dahil sa umano’y ginagawa nitong marine destruction sa Escoda Shoal.

Matatandaang noong Sabado ay natagpuan ng Philippine Coast Guard ang mga patay at durog na corals sa naturang katubigan na umano’y itinambak ng mga barko ng China .

Ayon kay Carpio, dapat nang kasuhan ng Pilipinas ang China para mapasama sa world agenda ang island building ng Beijing.

Inirekomenda rin niti sa PCG ang permanenteng presensya ng bansa sa Escoda Shoal para maiwasan ang pagtatayo ng artificial islands doon.

Palagay umano nito ay hindi makapagtatayo ng isla ang China kung mararamdaman nito ang 24-hours na presensya ng Pilipinas sa lugar.

Inirekomenda rin ni Carpio ang pagtatayo ng lighthouse at marine research center sa Ayungin Shoal.

Aniya dapat i-convert ng Pilipinas ang mga aktibidad nito sa civilian activities.

Mas mabuti raw ito kaysa mag-deploy ng isa na namang military vessel sa naturang aktubigan, dahil civilian activities ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *