‘Reconciliation’ matapos ang kamakailang pagbabago ng liderato, panawagan ng senador bago ang darating na SONA

Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na mas makakabuti kung igagalang muna ang kasalukuyang takbo ng damdamin ng ilang senador.

Anya, ilang araw pa lang din kase ang nakakalipas matapos ang pagpalit ni Senate President Chiz Escudero sa posisyon ni dating Senate President Migz Zubiri.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ito ang kanyang naging tugon sa kamakailang post o pahayag ng ilang senador tulad ni Senadora Nancy Binay na nadismaya sa naging biglaang pagbabago ng liderato.

Alinsunod nito, binigyang-diin niyang marapat lang na magkaroon ng ‘reconciliation’ o pagkakasundo ang bawat senador bago dumating ang State of the Nation Address (SONA).

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Pero maliban pa roon, mas mainam din umano kung magkakaroon ng magandang relasyon ang Senado sa Kongreso.

Matatandaan, kamakailan ay ibinahagi nina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez na magkakaroon sila ng pagkikita bagamat wala pang tiyak na araw at oras.