Mahigit 2 libong pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa 2 rehiyon sa bansa dahil sa bagyong Aghon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw, naitala sa Region 8 o Easter Visayas ang pinakamaraming pasaherong stranded sa 1, 252 at Region 5 o Bicol Region sa 848 passengers.
Ito’y makaraang kanselahin ang operasyon ng 20 pantalan doon dahil sa sama ng panahon.
Samantala, nasa 407 rolling cargoes, 16 na barko at 11 motorbancas ang hindi rin pinayagang makapaglayag sa dalawang rehiyon dahil sa bagyo.
FLIGHTS CANCELLED****HEADING
Ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport ang kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon.
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority, kabilang sa mga nakansela ang biyahe ng CEBGo mula Manila to Naga, Manila to Siargao at Manila to Surigao vise versa.
Kanselado rin ang biyahe ng PAL Express mula Manila to Tacloban at Manila Calbayog vice versa.
Tig-isang flight naman ang kinansela ng Cebu Pacific mula Manila to Virac vice versa at AIrswift mula Manila to romblon vice versa.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund ng kanilang biyahe.