Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng isang kulay pink na dolphin na namataan umano sa baybayin ng North Carolina, USA.
Makikita sa mga litrato ang nakakabighaning kinang ng kulay rosas na balat nito habang nasa kagaratan ng nasabing lugar.
Subalit, ayon sa mga netizens na nakakita ng viral post na ito sa X o dating Twitter, hindi raw makatotohanan ang sobrang taas na kalidad ng mga larawan ng dolphin at ang tunay na mga pink dolphin daw ay tinatawag na Boto dolphins na matatagpuan sa Amazon River.
“No, a pink dolphin did not wash up on Topsail Island and pose for professional quality photos before swimming away.” tugon ng isang X user.
Dagdag pa rito, walang kumpirmasyon mula sa wildlife authorities ng North Carolina ang pagkakakita ng mga pink dolphin. ### Nico Merciales, Intern
Photo from Web