CAMARINES NORTE- Napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaking may kasong panghahalay at nakatala bilang Ranked 1 Municipal Most Wanted sa bayan ng Paracale, Camarines Norte sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga otoridad sa Ascaño Street, Malibay, Pasay City, National Capital Region
Ang akusado ay kinilalang si alias BEN, 36 anyos, tubong Paracale,
Matagumapy na naaresto ang nabanggit na akusado matapos itong silbihan ng Warrant of Arrest dahil sa kasong Rape na ipinalabas ni Hon. RENE MORALEO DELA CRUZ, Presiding Judge, Family Court, 5th Judicial Region, Branch 5, Daet Camarines Norte na may petsang January 10, 2022.
Ang naturang kaso ay walang rekomendadong piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga umarestong tauhan ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.
