6 fireworks-related injury sa Camarines Sur may tyansang tumaas sa pasko at pagsalubong ng 2023- DOH Bicol

NAGA CITY- 6 ang Fireworks-Related Injury (FWRI) sa Camarines Sur na naitala noong pasko ng 2021 at  pagsalubong ng 2022 ang target pababain pa ng Department of Health (DOH) Bicol at mga katuwang na mga ahensya. Pero aminado ang DOH na posible itong tumaas sa pasko at bagong taon 2023.

Sa record ng DOH- Bicol bumaba ang insidente sa buong rehiyon mula 2015, lalo pa nitong 2020 at pasko nitong 2021 maging sa pagsalubong ng bagong taon 2022.  Noong 2015 kasi 31 ang nairecord sa CamSur, 62 naman sa lalawigan ng Albay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa mga uri naman ng paputok ang kwitis ang nangunguna sa mga dahilan.  Pero habang nagiging mahigpit ang kampanya ng pamahalaan ay lalo itong bumababa.

Ayon kay Sam Banico, hindi nila inaalis ang posibilidad na tumaas muli ito dahil dalawang taon na na-miss o hindi naging malaya ang publiko sa selebrasyon dahil sa mga restrictions sa pandemya.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa Naga City, nakapagpulong na ang Task Force paputok. Handa na rin ang PNP naipasunod ang mga regulasyon. Ayon kay PSMS Toby Bongon, 31 firecracker vendors ang naaprubahan na makapagtinda. Ayon kay Bongon dati rati umaabot sa mahigit 50 ang nag apply at higit pa sa 31 ang naaprubahan.