Halaga ng piso noong Nobyembre lalo pang bumaba kung ikukumpara sa nakalipas na apat na taon

CAMARINES NORTE- Tulad ng inaasahan lalo pang bumulusok ang halaga ng piso nitong November 2022 kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2018.

Batay ito sa special release report ng Philippine Statistics Authority kaugnay sa Consumer Price Index for All Income Household sa Camarines Norte noong Nobyembre na inilabas ngayong buwan.

Ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ngayon ng 0. 82 centavos.

Nangangahulugan ito na kakailanganin ng consumer ng P1. 20 para mabili ang kaparehong halaga ng produkto at serbisyo noong 2018

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Matatandaan na ang lalawigan ng Camarines Norte ang nakapagtala ng pinakamataas na inflation noong Nobyembre sa buong Bicol Region o pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa antas na 8.9 percent.

Sa year- on- year comparison, halos lahat ng commodities at service groups ay nagkaroon ng pagalaw o pagtaas ng presyo noong Nobyembre maliban sa Financial Services.

Ang dahilan ng pagsipa ng inflation sa lalawigan sa mataas na antas ay ang restaurants and accommodation services, pabahay, tubig, kuryente, at petrolyo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nag- ambag din sa mataas na inflation ang mataas na presyo ng pagkain at Non- alcoholic Beverages, Alcoholic Beverages and Tobacco, Transport at Furnishings Household Equipment and Routine household maintenance.

Maging ang Health, Recreation, Sport and culture, Personal care and Miscellaneous  Goods and Services, Clothing and Footwear, Information and Communication at Education Services ay nakapagtala rin ng bahagyang increase sa price index.

Noong November at December 2021 ay naitala sa 0. 89 at 0. 88 ang Purchasing Power of the Peso sa Camarines Norte.