CAMARINES NORTE- Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang isang lalaki dakong alas 3:00 kahapon, Hunyo 24, 2021 sa Purok-2 Barangay Bagong Silang 1 Labo Camarines Norte.
Kinilala itong si LAMBERTO TABUZO Y TARGA, 49 anyos at residente ng Sitio, Cabungahan Brgy. Cabatuhan, Labo, Camarines Norte.
Si TABUZO ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa salang Acts of Lasciviousness na tinukoy at pinarusahan sa ilalim ng Artikulo 336, Revised Penal Code na may kaugnayan sa R.A. 7610 “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 20-3921 hanggang 3924 na ipinalabas ng RTC Branch 64 Labo, Camarines Norte na may petsang December 28, 2020 at piyansang umaabot sa Isang Daan at Walong Libong Piso (Php 108,000.00) bawat kaso.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa himpilan na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon

