IBAAN – Napagkalooban ng E-learning Tablet ang 110 mga estudyante ng Ibaan District Alternative Learning System (ALS) sa ilalim ng Project E-learning Tablet: Flexible Learning, Anytime, Anywhere ng Lokal na Pamahalaan ng Ibaan.
Ang mga nasabing educational tablet ay may naka-install na espesyal na program at application kung saan pwedeng mabasa, mapanood at mapakinggan ng mga estudyante ang mga aralin kahit walang internet.
Ito ay magagamit ng bawat ALS student sa buong Ibaan at ipapasa sa mga susunod pang magiging estudyante sa naturang paraan ng pag-aaral.
Bukod sa mga tablet, nagkaloob din ang lokal na pamahalaan ng 2 laptop computer na magagamit naman ng mga guro ng ALS upang makapag hatid ng dekalidad na edukasyon para sa mga estudyante.
Sa nasabing programa din, inilatag na din ng lokal na pamahalaan ang planong matulungan ang mga ALS graduate na mabilis na makahanap ng trabaho.