DOST, itinangging sangkot sila sa cyberattacks sa alternative media

Mariing pinabulaanan ng Department of Science and Technology (DOST) na sangkot sila sa cyberattacks sa alternative media.

Ito ang naging pahayag ng DOST kasunod ng mga ulat na ang Internet Protocol (IP) address na ginamit para sa cyberattacks sa ilang media websites ay natunton sa ahensya.

Mababatid na batay sa report ng Sweden-based digital forensic group na Qurium Media Foundation, tinarget ng DOST at Philippine Army ang news websites na Bulatlat at Altermidya, maging ang human rights group na Karapatan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Iginiit ng DOST na “unfounded” at “patently false” ang mga nasabing ulat.

Kasabay nito’y, binigyang diin ng kagawaran ang kanilang mahalagang papel sa information and communications technology management ng pamahalaan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sinabi ng DOST na nananatili silang commited para sa pagpapaunlad ng bansa at maglingkod sa mga Pilipino, sa tulong ng siyensya.

Para naman kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, “unfair” o hindi patas para i-ugnay ang government agencies sa mga cyberattack laban sa ilang news websites habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa isyu.