Rank No. 9 Regional MWP ng PRO5 na may kinakaharap na kasong multiple sex crimes, arestado sa Sorsogon

Arestado ng pinagsamang puwersa ng Juban MPS, RIU-PIT ng SPPO at ng 92 SAC ng 9SAB, SAF ang No. 9 regional most wanted person ng PRO5 sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Hinainan ng warrant of arrest sa Brgy Rangas ng nasabing bayan si Wilson Milanes Bellen, 68-anyos, Karpentero, may kinakasama at naninirahan sa nasabing bayan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Si Bellen ay nahaharap sa multiple sex crimes kabilang ang Acts of Lasciviousness na may itinakdang piyansa na P108K; 2 counts of rape na walang itinakdang piyansa at isa pang kasong rape na may itinakdang piyansa na P200K.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang akusado ay nasa kustudiya na ng Juban MPS matapos na maaresto, dakong alas 7:00 ng umaga kahapon, Hulyo 14 ng kasalukuyang taon.