Rank no. 4 regional most wanted person ng Daraga, Albay, arestado sa Laguna sa kasong child abuse at rape

LEGAZPI CITY – Natunton ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Daraga MPS katuwang ang RIU5 PIT Albay, Calamba MPS at iba pang yunit, ang pinagtataguang lungga ni alyas “Rio”, sa Pasiano Rizal, Calamba, Laguna.

Kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar ang 48-anyos na supek, may asawa, isang tindero, at kilalang “Rank 4 Regional Most Wanted Person” ng Bicol.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Inaresto ang akusado dahil sa panghahalay at pang-aabuso sa bayan ng Daraga, Albay.

Bitbit ang Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte noong Augusto 8, 2022 para sa kasong paglabag sa Sec 5(b), Art III ng RA 7610 (Sec 31 (c), Art XII of) o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may piyansang Php 200,000.00, at 5-limang bilang ng kasong “Rape” kung saan walang inerekomendang piyansa ang korte para sakanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa ngayon ay dadalhin na sa nasabing himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon.