Humigit-kumulang 500 senior citizens sa Libon, Albay, makakatanggap ng benepisyo mula sa DOLE

LEGAZPI CITY – Humigit-kumulang 500 o 491 na mga senior citizens mula sa bayan ng Libon, lalawigan ng Albay ang makakatanggap benepisyo mula sa Department of Labor and Employment sa ilalim ng programang TUPAD.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang mga senior citizens na kabilang sa mga benepisyaryo ng nabanggit na programa ay yaong mga inbidwal na kaya pang magtrabaho sa kabila ng kanilang edad.

Nagbigay ang DOLE sa munisipalidad ng Libon ng nagkakahalagang P1.8M na ipapamahagi sa mga senior citizens na naatasan para sa cash-for-work na mga serbisyo ng nasabing programa.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala, nakasalalay naman sa nasabing bayan kung kailan ipapatupad ang programa, ngunit hindi na ito kinakailangan palagpasin ngayong buwan.