Rank No. 4 municipal MWP ng Monreal, Masbate, arestado sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng mga otoridad ang Rank No. 4 Municipal Most Wanted Person ng Monreal, Masbate sa Purok 3, Brgy. 27, Victory Village, Legazpi City dahil sa kasong murder.

Kinilala ang suspek na si Rico Hipa Salazar, 52 anyos, may asawa at residente ng Sitio Luba Guinhadap, Monreal, Masbate.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Ayon sa report, nahuli ito sa bisa ng warrant of arrest na pirmado noong Oktobre 11, 2022 dahil sa nasabing kaso.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, ang akusado ay dinala sa himpilan ng pulisya at nakatakdang ibalik sa kanyang court of origin upang harapin ang isinampang kaso laban sa kanya.