Rank no. 3 provincial most wanted person sa Guinobatan, Albay, arestado sa 4 na bilang ng kasong panggagahasa

Arestado ang kinokonsiderang Rank No. 3 Provincial Most Wanted Person sa Albay dahil sa apat na bilang ng kasong panggagahasa sa Brgy. Poblacion, bayan ng Guinobatan sa kaparehong lalawigan.

Pinangunahan ng pinagsamang-pwersa ng himpilan ng pulisya ng nabanggit na bayan kasama ang Regional Intelligence Unit Bicol, CIDG, at iba pang unit ang pagdakip sa suspek na kinilalang si alyas “Robert” at isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Enero 17, 2023.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City
Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.