Rank no. 3 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Jose Panganiban, arestado sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur

CAMARINES NORTE- Arestado ang 45-anyos na lalaki na ika-3 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa Bayan ng Jose Panganiban ng pinagsamang pwersa ng tauhan ng Jose Panganiban MPS bilang lead unit at Cabusao MPS kahapon dakong 6:45 ng gabi sa Zone 1, Barangay Sta. Cruz, Cabusao,Camarines Sur.

Ang akusado ay kinilalang si NINOY SAN JOSE y CERILLO, 45 anyos na pedicab driver at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Si SAN JOSE ay naaresto sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hon.Judge Evan D Dizon Presiding Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte sa kasong Forcible Abduction with Rape in relation to RA 7610 at Rape in relation to RA 7610 at walang rekomendadong piyansa.

Ayon sa ulat ng Jose Panganiban MPS, Enero ng taong 2016 nang maganap ang sapilitang pagsama at panghahalay ng suspek sa biktimang menor de edad.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.

(photo courtesy: CNPPO)