Rank No. 1 most wanted person ng Juban MPS, himas rehas na; isa pang indibdiwal na may kinakaharap na kasong karahasan sa bata, arestado

Himas rehas na ang 47-anyos na laborer makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest, umaga kahapon, Marso 21 sa Brgy Biriran, Juban, Sorsogon.

Inaresto ng mga tauhan ng Juban Police si Lito Niebres Grefal, may asawa naninirahan sa nasabing barangay. Itinuturing itong No.1 most wanted person ng Juban MPS.

Ang pag-aresto sa akusado ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Family Court, 5th Judicial Region, Br 12, Sorsogon City sa dalawang kasong paglabag sa 266-A ng RPC o rape by carnal knowledge na walang inirekomendang piyansa.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, kapag ang biktima ay wala pang 12 taong gulang, at ang mga elemento ng panggagahasa sa isang babae ng isang lalaki ay ‘consummated.’

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, naaresto din ng Juban Police si Diosdado Erandio Jarlego, 44-anyos, binata at residente ng Sitio Tiguib, Brgy Tinago ng parehong bayan.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse at ang pag-aresto ay iniutos ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon.

Maaaring makapagpiyansa ito sa halagang P60K.