55 anyos na lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Arestado ng mga otoridad ang isang 55 anyos na lalaki matapos itong magpositibo sa drug buy-bust operation sa Purok 3, Brgy. Malama, Ligao City, Albay.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Benitez Gomez, residente ng nasabing barangay.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Ayon sa report, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga kapulisan sa lugar laban sa suspek.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng tatlong piraso ng sachet na naglalamang hinihinalang “shabu”.

Read More:  ₱3.7M worth of suspected marijuana seized in Cebu City

Dahil dito, hindi na nakapalag pa ang suspek matapos itong hulihin ng mga otoridad.

Narekober sa kanya ang nasabing item at perang ginamit bilang buy-bust money.

Sa ngayon, ang suspek ay mananatili sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.