Kamara inaprubahan ang panukalang collateral-free na pautang panlaban sa ‘5-6’

Aprubado na sa Kamara ang House Bill 7363 o ang panukalang Pagbabago at Pag-asenso program o P3 Fund.

Ang panukala ay collateral-free na pautang na ipanlalaban sa 5-6 bilang alternatibong takbuhan ng mga maliliit na negosyo.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Ang HB 7363 ay naka kuha ng 278 na boto at walang tumutol sa panukala.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mahalaga ang paglago ng micro and small enterprises kung saan nagtatrabaho ang milyun-milyong Pilipino.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Sa ilalim ng panukala, ang P3 Fund ay pangangasiwaan ng Small Business Corporation. Ang magiging interes ng pautang ay hindi maaaring lumagpas sa 1% kada buwan kung direct lending, at hindi maaaring lumagpas ng 2.5% kada buwan.