Rank No. 1 most wanted person ng Bulusan arestado sa Cavite

SORSOGON CITY – Naaresto na ng Bulusan Police ang kanilang No. 1 most wanted person sa Cavite.

Ang akusado na nakilalang si Antonio Galpa Belolo, 42-anyos, may asawa at residente ng Brgy Tinampo, Bulusan, Sorsogon ay kinakaharap ang dalawang kasong panggagahasa.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Nahuli ang nasabing indibidwal ng pinagsanib na puwersa ng Bulusan at Tanza Police sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ng RTC Br 54, Gubat, Sorsogon.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Wala namang itinakdang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.