Rank No. 1 MMWP ng bayan ng Daet napasakamay ng mga otoridad

CAMARINES NORTE – Napasakamay ng mga tauhan ng Daet MPS  itinuturing na Numero numero Uno (1) sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng Daet sa buwan ng Marso nitong unang araw ng Marso 2022 bandang alas 3:50 ng hapon sa Moreno St., Brgy. Silangan, San Vicente, Camarines Norte

Ang akusado ay nakilalang si alyas “Mike”, 30 taong gulang, may asawa, isang negosyante at residente ng Moreno St., Brgy. Silangan, San Vicente, Camarines Norte.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Si Mike ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 11, Art II ng RA 9165 and RA 10591 sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 19855 at 19924 na ipinalabas ni Hon. Judge WINSTON S RACOMA ng Regional Trial Court, Branch 39, Daet, Camarines Norte at may petsang February 9, 2022 para sa pagsisilbi ng kanyang sentensya.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.