CAMARINES NORTE- Napasakamay ng mga tauhan ng Paracale MPS ang isang lalaking ika-sampu sa listahan ng wanted persons sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Purok 4, Barangay Poblacion, Silang, Cavite.
Dakong alas 4:25 ng umaga nitong Disyembre 21, 2021 ng maaresto ang akusado na kinilalang si alyas “RUDY”, 18 anyos na panadero, at residente ng Purok Perlas, Barangay Poblacion Sur, Paracale, Cam Norte.
Si RUDY ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Rene Morallo Dela Cruz, Presiding Judge, RTC Branch 38, Daet, Camarines Norte para sa paglabag sa SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST CHILD ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION ACT (ANTI-CHILD ABUSE LAW) (Violation of Section 5(b) of RA 7610) na may petsang Oktubre 22, 2021 na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga sa Dalawang Daang Libong Piso (Php200,000.00).
Ayon sa ulat, si RUDY nahaharap ang akusado sa pagmolestiya sa menor de edad na kapatid ng kanya mismong kinakasama na naganap noong buwan ng Hulyo, taong kasalukuyan sa loob mismo ng bahay ng biktima.
Ang nadakip na personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng operatiba ng Paracale MPS para sa pag turn-over sa kanyang court of origin.
