NAGA CITY- Tutulong ang Camarines Sur II Electric Cooperative o CASURECO II sa power restoration sa Visayas at Minadanao.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rinner Bucay, tagapagsalita ng Casureco II, sinabing , isinasapinal na nila ang magiging hakbang. Hindi na kailangan pang magpaabot ng pormal na request ang mga nasalantang kooperatiba dahil agad naman na nag-uusap at bumubuo ng plano ang mahigit sa 100 kooperatiba sa buong bansa para magpaabot ng tulong sa mga apektadong lugar.
Maliban sa technical staff, bukas din ang kooperatiba na magpadala ng mga sasakyan at iba pang ekipahe na kakailanganin sa power restoration sa lugar. Ayon pa kay Bucay, handa rin sila magparating ng personal na tulong para sa mga empleyado ng mga apektadong electric cooperatives.
Maalala na ang mga electric cooperative sa Visayas at Mindanao ay ilan lamang sa mga mabilis na nagpaabot ng tulong sa iba’t ibang lugar sa Caramarines Sur noong nakaraang taon matapos ang panghahagupit ng bagyong Rolly at Ulysses.