NAGA CITY – Nagsagawa ng random drug testing sa ilang mga mga personahe ng Naga City District Jail at sa mga babaeng kabilang sa Persons Deprived of Liberty, kahapon Nobyembre 4 na pinangunahan ng Naga City Dangerous Drugs Board, Philippine Drugs Enforcement Agency at ng Philippine National Police.
Pinakalayunin ng drug testing na ito ay malaman kung may PDL o personahe sa district jail ang gumagamit ng illegal drugs para agad na mapigilan o mabigyan ng penalidad, kung mayroon man.
Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Toti Importante, Head ng NCDDB, sinabi niyang regular nila itong ginagawa sa naturang piitan, sa pamamagitan na rin ng pagrequest ng pamunuan nito.
Hinihintay pa nila ang resulta ng drug testing at umaasa siyang walang magpo-positibo sa mga ito dahil na rin sa mahigpit na protocol na ipinatutupad sa district jail.