MDRRM Lagonoy, naging alerto sa Bagyong Marce

CAMARINES SUR —Naging alerto ang mga personahe at maging ang mga rescue vehicle ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Lagonoy, sa Partido Area, Camarines Sur sakaling lumakas at kung may epekto ang Bagyong Marce.

Ayon kay MDRRMO Head Atty. Brix Pasiona, may mga barangay at coastal areas na madaling bahain sa nasabing bayan kung kaya pinayuhan nito ang mga nasa low lying areas na maging handa sa posibleng epekto ng pag-uulang dala ng bagyo. Ang mga rescue vehicle naman ng LGU at ng opisina ay nakahanda ring magamit kung magsasawa ng force evacuation.
Pero ayon naman sa PAGASA, sa 5AM update ngayong Miyerkules, huling namataan ang Bagyong Marce sa 345 km East of Tuguegarao City, Cagayan (17.9°N, 125.0°E).

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique
Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, dahil sa mga nagdaang sama ng panahon, mas madali na aniyang sumunod ang mga residente sa nasabing bayan kung kaya hindi na gaanong pahirapan sa pagpapalikas. Sa kabila nito, payo ng opisyal sa publiko, manatiling nakatutok sa mga ulat panahon at maging handa lalo na ngayong panahon ng tag-ulan at Typhoon Season.