Pinsala sa DepEd Naga ng Bagyong Kristine, ilalapit na kay Sec. Angara

NAGA CITY- Todo ang paglilinis sa mga paaralan ngayon upang matanggal na ang putik at iba pang iniwang kalat ng bahang dulot ng Bagyong Kristine. Ang resulta ng pakikipag-usap ni Mayor Son Legacion sa mga school heads ay ilalapit kay Department of Education Sec. Sonny Angara.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon kay City Administrator Lito Del Rosario, pina coconsolidate ang pinsala sa mga paaralan kasama ang mga educare centers. Nalubog sa tubig baha at putik ang mga aklat at iba pang gamit.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Target ng DepEd Naga City Division at LGU Naga na maibalik na ang face-to-face classes sa Nobyemre 11 matapos palawigin ang class suspension mula noong Nobyembre 4.