DoJ, hindi pa magku-kumento sa pag-kambyo ni Ragos

Wala pa ring pormal na kopya ang Department of Justice ng opisyal na affidavit ng pagbawi ng testimonya ng dating Bureau of Corrections – officer in charge Rafael Ragos hingil sa pagdiriin nito kay Senadora Leila de Lima sa kalakaran ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Sa mensaheng ipinadala ni Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi nitong nangyari ang lahat ng isyu na ito bago pa man siya maging kalihim ng Kagawaran.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sa ngayon, hihintayin pa muna umano niyang makatanggap siya ng kopya ng affidavit bago ito magkumento.

Kinakailangan din aniyang talakayin na muna ito sa iba pang mga prosekyutor na sa kaso.

Samantala, wala rin kopya pa si Prosecutor Generel Ben. Malcontento.

Sa isang pahayag, tumanggi na rin muna itong magkumento hinggil sa naging pagkambyo ni Ragos.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sa ngayon, hinihintay pa ang mga magiging susunod na hakbang ng DoJ lalo na’t ang mga bagong pahayag ni Ragos ay makaaapekto sa mga unang naging ruling ng Muntinlupa RTC.

Kung matatandaan, isa kasi ang testimonya nito sa mga naging basehan para ibasura ang hiling noon ni de Lima na makapagpyansa at ang hiling nito na demurrer to evidence o ang pagbasura sa mga ebidensya laban sa kanya.

Sa kabilang dako naman, ang unang testimonya ni Kerwin Espinosa hindi ginamit ng mga prosekyutor.
#