Ragay, Camarines Sur, ASF Free na

CAMARINES SUR- African Swine Fever Free na ang Ragay Camarines Sur. Ito ang inanunsyo ng Municipal Agriculture Office para sa mga hog raisers ay nasa pagnenegosyo sa baboy.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni MAO Benedict Almario , nakompleto na nila ang mga requirements o mga batayan upang maging Pink Zone ang bayan. Dahil dito maaari nang mag full restocking ng mga baboy, puwede na ring mag pa insured ng mga swine, ilabas ang baboy sa lugar at masusundan pa ng livelihood support.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

20 na mga hog raisers ang naapektuhan nang muling magkaroon ng ASF sa bayan habang 100 naman na mga alagang baboy ang na depopulate.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala, inaabisuhan din ng MAO ang mga may alagang hayop na na i-monitor ito sa mga sakit na maaring lumitaw tuwing tag-ulan.