Nagpa-abot ng pagbati ang First Family para sa ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong araw.
Sa mensahe ni First Lady Liza Marcos, sinabi nitong ipinagmamalaki niya ang lahat ng nagawa ng Pangulo at nanatili itong malambing, mahabagin na unang bumihag ng kaniyang puso.
Sa isa namang Facebook vlog, sinabi ng kanyang panganay na si Senior House Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na pinahahalagahan niya ito sa pagbibigay ng oras para sa kanya, at sa mga kapatid nito pati na rin sa kanilang ina, pagdating sa mga dinner date sa kabila ng kanyang busy schedule.
Kaugnay nito, nagbigay din ng mensahe ang dalawa nitong anak na sina Joseph Simon at William Vincent kung saan inalala nito ang ilang mga moments kasama si PBBM.
Sinabi ni Joseph Simon Marcos na mananatili itong kahanga-hanga bilang magulang sa kanya.
Samantala, ni-request naman ng kanyang bunsong anak na si William Vincent na huwag masyadong ma-stress at magkaroon si ito ng maraming free time.